Photos

Cast

JC DE VERA as GARDO VALIENTE

Si Gardo ang nag-iisang anak nina Damian at Luming. Kahit na siya ay nagmula sa hirap, lumaki siyang isang mapagmahal na anak. Bilang matalik na kaibigan ni Theo Braganza, handa siyang mamatay kung kinakailangan para sa kaibigan. May lihim na bumabalot sa kanyang pagkatao na magiging malaking hadlang sa ambisyon ni Donya Trining.

Synopsis

Isang klasiko. Isang epikong tumatawid sa iba’t ibang henerasyon. Isang kayamanang pamana ng dekada ’90 sa makabagong henerasyon.

Mula sa orihinal na konsepto ni Antonio Tuviera at malikhaing panulat ni Bb. Gina Marissa Tagasa, ito ang kuwento ng dalawang magkaibigan na haharap sa iba’t ibang pagsubok. Balikan ang makasaysayang istorya ng dalawang pamilya na haharap sa hamon ng buhay at magtutunggali upang makamit ang pagmamahal at katotohanan. Ang malalim na pagkakaibigan nina Theo Braganza at Gardo Valiente, ang malaking hamon na kanilang haharapin bunga ng kasakiman ni Donya Trining, at ang hadlang sa pag-iibigan ni Gardo at Maila Braganza. Abangan ang lihim na mabubunyag sa pagkatao ni Gardo at ang kanyang magiging armas laban sa mga Braganza.

Ngayong 2012, inihahandog ng TV5 ang pagbabalik ng VALIENTE.

Comments

Grass