The Jose & Wally Show
Episodes
EPISODE 3: Piano

Starring Alex Gonzaga and Martin Escudero
Si Rina ay isang maganda at mahinhin na dalaga na may mahinang pangangatawan. Madali siyang mahawaan ng sakit at dahil sa kanyang sitwasyon, nag-desisyon ang kanyang pamilya na lumipat sa bahay ng kanyang tiya malapit sa ospital. Dito niya makikilala ang isang misteryosong binata at magagamit ang piano na kanyang magiging libangan. Lingid sa kaalaman ni Rina at ng kanyang pamilya, ang piano na ito ay may masama at mapanganib na kapangyarihan.
About
Inihahandog ng TV5 ang pagbabalik ng Regal Shocker, ang premyadong horror show noong dekada '80 na ngayon ay bibigyan buhay ng ating mga Kapatid stars at ilan sa mga beteranong pangalan sa showbiz.
Mula sa isang programa sa telebisyon ay talagang hindi napigilan ang pagsikat ng Regal Shocker, dahilan para maging kasama ito sa "top 5 programs per airing" at maging number one show sa kanyang dating istasyon. Naging pelikula pa ito noong 1989, "Regal Shocker: The Movie", sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.
Para sa bagong henerasyon, nagbabalik ang Regal Shocker tampok ang mga sikat na artistang magbibigay-buhay sa iba’t-ibang kwento ng hiwaga at katatakutan.




