Weeknights, pagkatapos ng
Glamorosa

Photos

Cast

ALEX GONZAGA as ANDREA TUAZON

Si Andrea ang anak ni Kristine at kasintahan ni Jason. Sa kanyang murang edad ay makikita na sa kanya ang pagiging maalagain at responsible sa pamilya. Susubukan niyang sagipin ang negosyo ng kanilang pamilya, kahit pa man ang maging kapalit niyo ay ang relasyon nila ni Jason.

Synopsis

Malayo na ang narrating ni Mark Roxas. Isa na siyang successful businessman at investment banker, at ang kanyang pag-aari ay umabot na sa halos isang bilyong piso. Sa kabila ng lahat, matindi pa rin ang kanyang kalungkutan dulot ng pagkabigo sa pag-ibig, lalo na sa kanyang dating kasintahan na si Kristine.

Matindi ang kalungkutan ni Kristine matapos pumanaw ang asawang si Antonio. Kasama ang mga anak na sina Andrea at Candice, pinipilit niyang iligtas ang kanilang unti-unting nalulugi na negosyo. Ayon sa kanilang mga kamag-anak, mas mabuting ibenta na lamang ito.

Magugulo ang kanilang mundo ng malaman nilang si Mark pala ang may intensyon na bilhin ang kanilang kumpanya. Kasama ang kanang-kamay niyang si Donald, gagawin ni Mark ang lahat upang makuha ang family business ng mga Tuazon. Ang hindi nila alam ay may ibang masamang balak si Donald para sa kanilang lahat.

Comments