Cast

Zsa Zsa Padilla as Elaine Fuentebella

Si Elaine ang magandang maybahay ni Nick, na nangungulila sa pagmamahal ng asawa sa kabila ng kanilang komportableng pamumuhay. Sa desisyon ni Tracy na magpakasal kay Rock, natatakot siyang mauulit ng anak ang kanyang naging pagkakamali na mag-asawa ng maaga.

About the Show

Makikanta, makitawa at makigulo sa I DO BIDOO BIDOO, isang pelikulang nagbibigay-pugay sa pag-ibig, pamilyang Pilipino, at musika ng Apo Hiking Society!

Mula sa panulat at direksyon ni Chris Martinez, ito ang kwento ng magkababatang sina Rock Polotan at Tracy Fuentebella, na nagmamahalan sa kabila ng magkaibang estado nila sa buhay. Hikahos ang mga Polotan, samantalang mayaman naman ang mga Fuentebella. Dahil sa bugso ng damdamin, mauuwi sa pagbubuntis ang magkasintahan, na ikagagalit ng kanilang mga magulang. Bilang patunay ng kanilang pag-ibig, handang magpakasal sina Rock at Tracy. Pero kaya rin ba ng kanilang mga angkan na tanggapin ang bawat isa? Ano ang mas matimbang: pag-ibig o pamilya?

Alamin ang sagot sa inyong mga tanong, at pwede rin kayong maki-sing along sa pinakasikat na mga awitin ng Apo Hiking Society gaya ng “Ewan”, “Paano”, “Panalangin” at marami pang iba! Bibigyang-buhay ito ng mga OPM icons na sina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Ogie Alcasid, at ng kwelang- kwelang si Eugene Domingo, kasama ang mga bagong idolo na sina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos. Siguradong kikiligin at maaantig kayo sa natatanging feel-good musical ng taon!

Handog ng Unitel at Studio5, abangan ang I DO BIDOO BIDOO ngayong Agosto 29 sa mga sinehan!

Comments