Balwarte is a six-part special documentary of Bilang Pilipino for the 2025 Philippine midterm elections. Balwarte explores how voter behavior develops into voting preferences in key voting areas
manila
Anu-anong problema ang kinakaharap ng mga taga Maynila? At anong katangian ng mayor ang makakalutas nito? Sa unang episode ng Balwarte, alamin ang saloobin ng mga botanteng Manileño na magdidikta ng kanilang ilalagay na pangalan sa balota ngayong eleksyon.
davao
Kasabay ng pagkakaaresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte, matatapos na rin ba ang kanilang impluwensya sa bansa? Paano naman kaya sa Davao na kanilang balwarte? Sa episode na ito ng Balwarte, alamin kung bakit sa loob ng halos apat na dekada ay paulit-ulit na iniluluklok sa posisyon ng mga Dabawenyo ang mga Duterte.
makati
Binay, apelyidong patuloy na nangingibabaw sa mga taga-Makati. Pero sila rin ang pamilyang nahati sa loob ng kanilang balwarte. Sa kabila nito, mukhang sa kanila pa rin iikot ang tiwala ng kanilang nasasakupan. Ang tanong na lang, sino ang dadalhin sa posisyon ng mga Makatizen?
naga
Tumatak na sa mga taga-Naga ang kakaibang istilo ng pamamahala ng dati nilang namayapang alkalde na si Jesse Robredo. Itinutuloy ito ngayon ng maybahay ni Jesse at kandidato sa pagka-alkalde sa Naga na si Leni Robredo. Magiging sapat ba ito para iluklok si Leni papunta sa pamamahala ng kanilang balwarte? Pero ang tanong ng iba, paghahanda nga ba ito ni Robredo para sa mas mataas na posisyon sa bansa?