Photos

Cast

MICHAEL DE MESA as DAMIAN VALIENTE

Si Damian ang mapagmahal na ama at tanging tagapagtanggol ni Gardo. Siya ang asawa ni Luming, ang matalik na kaibigan ni Don Armando, at ang magiging karibal ni Trining para sa kapakanan ng hacienda. Hawak niya ang tanging susi sa lihim ng mga Braganza.

Synopsis

Isang klasiko. Isang epikong tumatawid sa iba’t ibang henerasyon. Isang kayamanang pamana ng dekada ’90 sa makabagong henerasyon.

Mula sa orihinal na konsepto ni Antonio Tuviera at malikhaing panulat ni Bb. Gina Marissa Tagasa, ito ang kuwento ng dalawang magkaibigan na haharap sa iba’t ibang pagsubok. Balikan ang makasaysayang istorya ng dalawang pamilya na haharap sa hamon ng buhay at magtutunggali upang makamit ang pagmamahal at katotohanan. Ang malalim na pagkakaibigan nina Theo Braganza at Gardo Valiente, ang malaking hamon na kanilang haharapin bunga ng kasakiman ni Donya Trining, at ang hadlang sa pag-iibigan ni Gardo at Maila Braganza. Abangan ang lihim na mabubunyag sa pagkatao ni Gardo at ang kanyang magiging armas laban sa mga Braganza.

Ngayong 2012, inihahandog ng TV5 ang pagbabalik ng VALIENTE.

Comments

Grass