Cast of Characters
VICTOR SILAYAN as ADRIAN DUENAS

Si Adrian ang mapagmahal na kasintahan ni Cassandra simula pa pagkabata. Bukod sa pagiging magaling na basketbolista sa unibersidad, nangangarap din siyang maging sikat na photographer balang araw. Sa kanyang pagkawala, tanging ang maiiwang digital camera ng binata ang magiging susi sa paghahanap ni Cassandra.
About the Show
Isang kwento ng pag-ibig ang susubukin ng misteryo at hiwaga, na maghahalo ng katotohanan at kababalaghan sa makabagong panahon.
Silipin natin ang THIRD EYE kung saan ang mga nilalang ng kadiliman ay lihim na nakikisalamuha bilang karaniwang tao sa kasalukuyang mundo. Kilalanin si Cassandra, isang matalino at modernong babae, na masayang umiibig sa kababatang si Adrian. Ngunit ang matamis nilang pagsasama ay mababahiran ng trahedya sa misteryosong pagkawala ng binata. Sa kanyang pag-iimbestiga, matutuklasan ng dalaga ang mga mapanlinlang na anyo at mapagpanggap na pagkatao na pumapalibot sa kanyang mundo. Ito ang magtutulak sa kanya para gamitin ang tinatagong kakayahan: ang kanyang third eye. Pero isa nga ba itong biyaya o isang sumpa?
Samahan natin si Cassandra sa paghahanap kay Adrian, sa tulong ng mga kaibigang sina Lucas, Dongbi, Jana, at Lolo Gimo. Sa gitna ng kadiliman, kaya bang manaig ng liwanag ng pag-ibig?
Buksan ang iyong THIRD EYE tuwing Linggo, 9:30 p.m.



