The Jose & Wally Show
Episodes
EPISODE 1: Elevator

Starring Gabby Concepcion
Directed by Topel Lee
Isang mabuting ama si Tony sa kanyang anak, at gagawin niya ang lahat huwag lang itong mapahamak. Ngunit isang lihim ang sa kanya'y maghihiganti na ikakapahamak ng pinakamamahal na anak. Maipaglalaban niya ba ito? Para harapin ang lihim ng kanyang nakalipas, malalaman niyang may kabayaran ang bawat kasalanan at may kapalit ang pangakong hindi natupad.
About
Inihahandog ng TV5 ang pagbabalik ng Regal Shocker, ang premyadong horror show noong dekada '80 na ngayon ay bibigyan buhay ng ating mga Kapatid stars at ilan sa mga beteranong pangalan sa showbiz.
Mula sa isang programa sa telebisyon ay talagang hindi napigilan ang pagsikat ng Regal Shocker, dahilan para maging kasama ito sa "top 5 programs per airing" at maging number one show sa kanyang dating istasyon. Naging pelikula pa ito noong 1989, "Regal Shocker: The Movie", sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.
Para sa bagong henerasyon, nagbabalik ang Regal Shocker tampok ang mga sikat na artistang magbibigay-buhay sa iba’t-ibang kwento ng hiwaga at katatakutan.




