Palabas Ngayon
4:00-4:15AM WOTL
4:15-4:30AM Reaksyon (Replay)
4:30-5:00AM Presinto 5
5:00-8:00AM Good Morning Club
8:00-8:30AM Jake and the neverland pirates
4:00-4:15AM Mondo Manu
4:15-4:30AM Reaksyon (Replay)
4:30-5:00AM Presinto 5
5:00-8:00AM Good Morning Club
8:00-8:30AM Jake and the neverland pirates
4:00-4:15AM Take-out
4:15-4:30AM Reaksyon (Replay)
4:30-5:00AM News 5 Imbestigasyon
5:00-8:00AM Good Morning Club
8:00-8:30AM Jake and the neverland pirates
4:00-4:15AM Astig
4:15-4:30AM Reaksyon (Replay)
4:30-5:00AM Presinto 5
5:00-8:00AM Good Morning Club
8:00-8:30AM Jake and the neverland pirates
4:30-5:30PM Face To Face
5:30-6:00PM T3: RELOAD (LIVE)
6:00-7:00PM Aksyon (Live)
7:00-7:30PM Cassandra Warrior Angel
7:30-10:45PM PBA or Sineko 5ingko
4:30-5:30AM Family Matters
5:30-6:00AM PILIPINAS NEWS
6:00-6:30AM Handy Manny
6:30-7:00AM Imagination Movers
7:00-7:30AM Mickey Mouse Clubhouse
4:15-5:00AM Balitang 60
5:00-6:00AM Sunday TV Mass
6:00-7:00AM KALIKASAN, KALUSUGAN, KABUHAYAN
7:00-7:30AM Handy Manny
7:30-8:00AM Imagination Movers

Kontrobersiyal na kuwento ng Face to Face, matutunghayan sa Untold Stories ngayong SabadoMarch 23, 2012

Marami ang nagulantang sa napanood sa episode ng Face to Face nitong nakaraang Miyerkules (Marso 21) dahil napaka-kontrobersiyal at sensitibong sitwasyon ang natunghayan sa buhay ng isang self-confessed na GRO, si Salve. Mapapanood ang dramatization ng kuwentong ito ngayong Sabado (Marso 24) sa Untold Stories Mula sa Face to Face na mapapanood ng 10:30 ng umaga sa TV5.

Nagsimula ang episode ng Face to Face sa mga problemang sinusuong ni Salve sa pagpatol niya sa mga lalaking may asawa na. Aminado si Salve na marami siyang boyfriends at mayroon din siyang sugar daddy. Ipinakilala sa programa ang sugar daddy ni Salve na si Mang Crisanto, na umaming walong buwan na ang relasyon nila ni Salve at nag "something-something" na silang dalawa.

Sa pagtatanong ng host ng programa na si Amy Perez kay Mang Crisanto tungkol sa mga babae sa kaniyang buhay, sinabi nitong dalawa pa lang ang babaeng nakarelasyon niya, isa dito ay nagngangalang Mina na nabuntis niya sa probinsya pero kinailangan niyang iwanan dahil nalipat siya ng pinagtratrabahuhan.

Sumunod ay lumabas si Aling Mina na ina ni Salve, at dito na lumabas ang katotohanan na ang sugar daddy ng kaniyang anak ay ang tunay na ama nito. Mistulang gumuho ang mundo ni Mang Crisanto sa rebelasyong ito. Wala na siyang nagawa kundi humagulgol dahil sarili niya palang dugo at laman ang babaeng karelasyon niya. "Diring-diri ako sa sarili ko," aniya.

Maging si Salve ay nanginig sa kaiiyak dahil buong akala niya ay matagal ng patay ang kaniyang ama at ni minsan ay hindi sumagi sa kaniyang isip na may iba pa silang ugnayan ni Mang Crisanto bukod sa pagiging sugar daddy nito sa kaniya.

Sa tulong ng resident Trio Tagapayo ng programa, napayuhan sina Salve, Aling Mina at Mang Crisanto at maayos silang naliwanagan sa maaring kahinatnan ng kanilang sitwasyon. Sa bandang huli, nagpasya si Mang Crisanto na lumayo muna pero nag-iwan siya ng mensahe sa kaniyang anak: "Salve, nandito ako nagmamahal sayo bilang AMA. Patawarin mo ako."

Sa pagsasadula ng nakaaantig-pusong kuwentong ito sa Untold Stories Mula sa Face to Face ngayong Sabado, gagampanan ni Meg Imperial ang papel ni Salve, kasama sina Gardo Versoza bilang Mang Crisanto at Lotlot De Leon bilang Aling  Mina.