Palabas Ngayon
4:00-5:00AM Tutok Tulfo
5:00-7:30AM Good Morning Club
7:30-8:00AM Mickey Mouse Clubhouse
8:00-8:30AM Fish Hooks
8:30-9:00AM Phineas and Ferb
4:00-5:00AM USI
5:00-7:30AM Good Morning Club
7:30-8:00AM Mickey Mouse Clubhouse
8:00-8:30AM Fish Hooks
8:30-9:00AM Phineas and Ferb
4:00-4:30AM Bitag
4:30-5:00AM Journo
5:00-7:30AM Good Morning Club
7:30-8:00AM Mickey Mouse Clubhouse
8:00-8:30AM Fish Hooks
6:00-6:30PM Aksyon (Live)
6:30-9:00PM Wil Time Bigtime
9:00-9:30PM Valiente
9:30-11:00PM Super Sine Prime
11:00-11:30PM Pilipinas News (Live)
4:00-5:00AM Alagang Kapatid
5:00-7:30AM Good Morning Club
7:30-8:00AM Mickey Mouse Clubhouse
8:00-8:30AM Fish Hooks
8:30-9:00AM Phineas and Ferb
4:30-5:30AM Family Matters
5:30-6:00AM Maunlad na Agrikultura
6:00-7:00AM Alagang Kapatid
7:00-7:30AM Handy Manny
7:30-8:00AM Jungle Junction
4:30-5:00AM Journo
5:00-5:30AM Insider
5:30-6:00AM Bitag
6:00-7:00AM Sunday TV Mass
7:00-8:00AM Alagang Kapatid

Ang Game Planner: ECKO GELUAFebruary 20, 2012

Bakit ka tinawag na "Ang Game Planner"?

Siguro kasi yung bawat game na nilaro namin sa Malaysia, pinag-aralan kong mabuti. Sa gabi pa lang, iniisip ko na bago ako matulog kung anong strategy ang pwede namin gawin kinabukasan. Kina-casting ko na rin bawat isa kung sino yung ilalagay ko sa isang particular na game.

Kinabukasan, once na-explain na sa amin ang isang game, saka ko uli siya aaralin. Paiba-iba ang explanation ng bawat game pagdating sa Indonesia, Thailand at Vietnam. May communication barrier, minsan hindi nila maintindihan yung game. Ang advantage ng Pilipino, mabilis maka-catch up, so alam ko na agad kung paano ie-explain sa team ko kung ano ang strategies na gagawin namin.

Ano ang mga katangian mo bilang Team Leader?

Sabi nila mabilis akong i-approach, so mabilis nila ako makakausap. Kung mayroon silang opinyon aside dun sa naiisip ko, tinatanggap ko and then ina-analyze namin mabuti kung mas okay. Sharing kami pagdating sa naiisip namin na strategy… Ang sa akin kasi, doon na lang ako nag-aral kung paano ko ipapanalo [ang team ko] at magiging proud ang mga tao para sa Pilipinas.

Paano mo pinili kung sinong players ang bagay para sa mga challenges?

Sa kilos nila at sa kwento nila ng buhay nila. For example si Mitch, naggi-gym siya sa bahay nila at mayroon siyang sariling trainer, pero nakikita ko sa katawan niya na payat siya so alam ko kung saan ko lang siya pwede ilagay, kung anong kapasidad niya. Si Tina, malakas kasi nakita ko na siya as group exercise instructor, nakikita ko kung ano ang lakas niya.

Yung pagpili ko, kailangan pantay-pantay. Binibigyan ko sila ng chance para patunayan sa sarili nila na kaya nila ‘to. Natutuwa sila dun kasi at the end of the game, nalalaman nila sa sarili nila na kaya nila. Dun pa lang parang nakakatuwang isipin na nabigyan mo ng chance yung tao na gawin ang isang bagay na hindi niya alam, kaya pala niya.

Nakatulong ba sa'yo ang trabaho mo bilang group exercise instructor?

Naging advantage yung endurance at kung papaano mag-isip. Kasi sa training namin as an instructor, nagte-train din kami ng maraming strategies na pwedeng gawin so ang dami naming mine-memorize. Isang buong oras na work-out, mine-memorize namin yun. At the same time, noong college mabilis na ako mag-memorize kasi nurse ako, so alam ko kung paano mag-memorize ng mabilis.

Ano ang mga dapat nilang abangan sa The Biggest Game Show in the World – Asia?

Panoorin nila ang Biggest Game Show kasi kakaiba ‘to. Makikita nila kung sino yung bansang napaka-competitive, kung paano maglaro ang Pilipinas ng malinis, kung papaano tumanggap ng panalo at pagkatalo ang mga Pilipino na [ano man ang resulta] masaya pa rin sa huli.

Panoorin ang The Biggest Game Show in the World – Asia tuwing Linggo, 9 PM.