Cast

Gary Valenciano as Nick Fuentebella

Si Nick ang konserbatibong padre de pamilya ng mga may-kayang Fuentebella. Matinik siyang negosyante, at abala sa pagpapalawak ng lupaing minana mula sa ama na isang retiradong heneral. Hangad niya ang kapakanan ng pamilya, ngunit di niya namamalayang napapabayaan na pala niya ang asawang si Elaine at anak na si Tracy.

About the Show

Makikanta, makitawa at makigulo sa I DO BIDOO BIDOO, isang pelikulang nagbibigay-pugay sa pag-ibig, pamilyang Pilipino, at musika ng Apo Hiking Society!

Mula sa panulat at direksyon ni Chris Martinez, ito ang kwento ng magkababatang sina Rock Polotan at Tracy Fuentebella, na nagmamahalan sa kabila ng magkaibang estado nila sa buhay. Hikahos ang mga Polotan, samantalang mayaman naman ang mga Fuentebella. Dahil sa bugso ng damdamin, mauuwi sa pagbubuntis ang magkasintahan, na ikagagalit ng kanilang mga magulang. Bilang patunay ng kanilang pag-ibig, handang magpakasal sina Rock at Tracy. Pero kaya rin ba ng kanilang mga angkan na tanggapin ang bawat isa? Ano ang mas matimbang: pag-ibig o pamilya?

Alamin ang sagot sa inyong mga tanong, at pwede rin kayong maki-sing along sa pinakasikat na mga awitin ng Apo Hiking Society gaya ng “Ewan”, “Paano”, “Panalangin” at marami pang iba! Bibigyang-buhay ito ng mga OPM icons na sina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Ogie Alcasid, at ng kwelang- kwelang si Eugene Domingo, kasama ang mga bagong idolo na sina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos. Siguradong kikiligin at maaantig kayo sa natatanging feel-good musical ng taon!

Handog ng Unitel at Studio5, abangan ang I DO BIDOO BIDOO ngayong Agosto 29 sa mga sinehan!

Comments