Wil Time BigTime
Photos
-
The cast of Glamorosa
Kilalanin ang mga karakter
-
Glamor shots
Mga larawan ng pinakamagandang dramaserye
Cast
LORNA TOLENTINO as Natalia Herrera Lustico

Si Natalia ay mula sa isang alta de ciudad na angkan. Sumunod siya sa yapak ng kanyang magulang na isang kilalang cosmetic surgeon, at dahil dito ay malaki ang kanyang dapat patunayan sa kanilang propesyon. Ganon pa man, kahit ano ang gawin ay hindi niya mapaligaya ang ina. Iibig siya kay Karl at magbubunga sila ng isang anak, ngunit isang malagim na aksidente ang maghihiwalay sa kanilang pamilya.
Synopsis
Ito ang kwento ng tatlong babae sa isang mundo kung saan ang pinakamahalaga ay ang kagandahan ng panlabas na anyo.
Si Natalia ay isang sikat na cosmetic surgeon na sinusubukang ibalik ang pagmamahal sa kanya ng asawang si Karl na minsan nang nawala sa kanya. Si Paulina ang babaeng nagbalik para maghiganti at agawin muli si Karl kay Natalia. Si Giselle ang nawawalang anak nina Natalia at Karl na walang ideya tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Paano nila bubuuin ang kani-kanilang mga buhay kung ang lahat ng mayroon sila ay huwad at pawang mga kasinungalingan lamang?
Ito ang mundo ng mga Glamorosa... Kung saan ang pag-ibig ay laruan ng mga taong huwad,
at ang katotohanan ay nagtatago sa likod ng kagandahan.




