Cast

Si Alvera ang panganay sa tatlong anak na babae ni Reyna Jasmina. Siya ang tagapagmana ng trono ng Eden at may taglay ng kapangyarihan ng araw. Iibig siya kay Menandro, at ang kanilang lihim na pagmamahalan ay magbubunga ng isang sanggol. Ikagagalit ito ni Valeriana kaya itatakas niya ang anak ngunit mapawawalay sa mundo ng mga mortal.