Ang Hardin Ni Aya
Akapulko
Iba pang tawag: bayabas-bayabasan, katanda (Tagalog), andadasi (Ilocos), palochina (Visayas), ringworm bush
Gamit: Ang juice ng akapulko ay pwedeng inumin bilang pampurga o kaya ay ipahid sa buni at iba pang skin fungal infections.
Ampalaya
Iba pang tawag: bitter gourd o bitter melon
Gamit: Ang ampalaya ay mataas sa vitamins A, B, C, iron, folic acid, phosphorus, at calcium. Ang isang kutsara ng ampalaya juice araw-araw ay panlaban sa diabetes, ubo, lagnat, bulate, at pagtatae.
Bawang
Iba pang tawag: garlic
Gamit: Ang bawang ay nakakatulong magpababa ng kolesterol at presyon. Binansagan din itong “nature’s antiobitic” dahil nakakapigil sa pagkalat ng impeksyon sa katawan ang katas nito. Gamot din ang bawang sa sakit ng ngipin, alipunga, arthritis, sakit ng ulo, at pagbabara ng ilong.
Bayabas
Iba pang tawag: guava
Gamit: Ang bayabas ay mataas sa vitamins A at C. Ang pinakuluang dahon nito ay karaniwang ginagamit na panglinis ng sugat, o pang-mumog para sa sakit ng ngipin at nagdudugong gilagid.
Lagundi
Iba pang tawag: dangla (Ilocos); 5-leaved chaste tree
Gamit: Ang dahon ng lagundi ay popular na gamot sa ubo, samantalang ang pinakuluang ugat nito ay pwedeng pang-lunas sa rayuma, dyspepsia, pigsa, at ketong.
Niyog-niyogan
Iba pang tawag: tagarau o tagulo (Tagalog); Chinese honey suckle; “yesterday, today, and tomorrow”
Gamit: Ang buto ng niyog-niyogan ay pwedeng ihawin at nguyain, para magamit na pampurga kontra sa mga bulateng “ascaris” at “trichina”.
Pansit-pansitan
Iba pang tawag: Ulasimang Bato, olasiman-ihalas, tangon-tangon, peperomia
Gamit: Ang pansit-pansitan ay mabisang gamot sa arthritis at gout. Pwede ding ipahid ang pinakuluan at dinikdik na dahon nito sa taghiyawat at pigsa.
Sambong
Iba pang tawag: subsob (Ilocos); bukadkad (Visayas); Blumea camphora
Gamit: Ang sambong ay nakakatulong sa paggamot sa sakit sa bato. Nirerekomenda ding ihalo ang pinakuluang dahon ng sambong sa pampaligo ng mga bagong panganak.
Tsaang Gubat
Iba pang tawag: maragued (Ilocos); putputai (Bicol); alibungog (Visayas); wild tea, forest tea
Gamit: Ang tsaang gubat ay iniinom para sa sakit ng tiyan at iba pang mga problemang may kinalaman sa bituka. Mabuti din ito para sa ngipin dahil sa mataas na fluoride content nito.
Yerba buena
Iba pang tawag: ang “yerba Buena” ay espanyol para sa “good herb”; peppermint
Gamit: Ang yerba buena ay pwedeng inumin na parang tsaa para sa pananakit ng katawan o pangkalahatang kalusugan.